Pamilya ng Pinay na namatay sa Hong Kong, humingi ng privacy sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiusap ang pamilya ng Pinay worker na namatay sa Hong Kong na huwag na lamang isapubliko ang pangalan ng OFW, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Raymond Cortez, ito ang dahilan kung bakit pinili nila na huwag na lamang ilabas ang pangalan ng Pinay at maging ng employer nito.

Tiniyak naman ng DFA na tinututukan nila ang imbestigasyon ng Hong Kong Police sa kaso.

Nangako rin aniya ang employer ng OFW na tutulong ito sa gastos sa pagpapauwi ng labi ng Pinay gayundin ang naiwang sweldo nito.

Ang labi ng nasabing Pinay ay natagpuang palutang-lutang sa pier ng Hong Kong nitong Huwebes ng umaga. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us