53 Barangay sa Iloilo City, binaha sa walang tigil na pag-ulan; Mahigit 1,000 resident, inilikas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 53 mga barangay sa Iloilo City ang binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng habagat.

Ayon sa Iloilo City Emergency Operations Center, as of 12 noon ngayong Lunes, 53 sa 180 na mga barangay sa lungsod ang namonitor na may pagbaha.

Sa 53 na mga apektadong barangay, 13 ay nasa distrito ng Jaro, 8 sa City Proper, 5 sa Arevalo, 7 sa Mandurriao, 5 sa Lapuz, 9 sa Molo, at 6 sa La Paz.

Samantala, nasa 1,188 naman na mga residente o mahigit 200 pamilyang ang temporaryong inilikas sa mga evacuation centers dahil sa mga pagbaha.

Agad naman silang binigyan ng food packs at hygiene kits ng Iloilo City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Bagama’t walang naitalang casualty sa lungsod, nakapagtala naman ng pinsala sa mga kabahayan kung saan pito ang totally damaged at 23 ang partially damaged.

Patuloy naman ang monitoring ng CDRRMO sa mga apektadong barangay sa lungsod. | ulat ni Emme Santiagudo| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us