Iginiit ng Department of Agriculture (DA) ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kapasidad ng mga bansang kasapi ng UN Food and Agriculture Organization (FAO) para maibsan ang epekto ng krisis sa tubig.
Sa kaniyang talumpati sa 43rd Session ng FAO Conference sa Rome, sinabi ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla ang kahalagahan ng pagpapaigting ng bilateral cooperation ng member countries sa pagkamit ng efficient at effective water resource management and infrastructure.
Ipinunto rin ni Sombilla ang tulong ng private sectors sa pagsusulong ng mga water-related measures.
Layon ng FAO Conference na makabuo ng mga mahahalagang desisyon sa global issues patungkol sa food at agriculture.
Ito ay rerepasuhin ng member countries upang makapagbalangkas ng mga polisiya o batas para sa isang pambansang aksyon.
Ipinagmalaki rin ni Sombilla ang pagkakatatag ng Water Resources Management Office na magsisilbing regulatory body sa maayos na paggamit ng water resources.| ulat ni Rey Ferrer