Pinangunahan ng Office of the Speaker, katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaabot ng nasa P6.78 million na halaga ng medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters sa ilang pasyente sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Nasa 30 indigent cancer patients ang nakatanggap ng tig P50,000 sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP).
Bukod dito, nabigyan din sila ng dagdag na P10,000 mula sa AICS program ng DSWD.
Hiwalay na P30,000 sa ilalim pa rin ng MAIP ang ipinagkaloob naman sa may 176 na pasyente na naka-admit sa PCMC.
“To the care and medication of a cancer patient is among the most financially taxing things that a family can experience. It is even more difficult if children are involved. Through this medical assistance, we hope to somehow ease the burden on these families and give them hope,” saad ni Speaker Martin Romualdez.
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa unang town hall meeting ng House leader.
Aniya masusundan pa ang pulong na ito upang marinig ang boses ng bawat Pilipino at matugunan ang kanilang mga hinaing, pangangailangan at kinakaharap na hamon.
“Through this, we will validate concerns, reach the grassroots, hear out your needs and challenges. We would also like to hear proposed solutions that Congress can address, Gusto nating maging bahagi ang town hall meeting na ito para imulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa ating lipunan lalo na sa mga using pangkalusugan at kung paano natin ito dapat tugunan,” ani Romualdez
Isa na nga aniya rito ang sakit na cancer na isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Kaya mahalaga aniya na direkta niyang marinig, bilang leader ng Kamara ang panawagan ng mga cancer patient upang makapaglatag sila ng angkop na batas at polisiya para sila ay matulungan.
“Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at programa na magpapabuti sa kanilang kalagayan. Kabilang dito ang access sa abot-kayang gamot at mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan. Kasama rin dito ang pagpapalakas ng mga psychosocial services at pagbibigay ng impormasyon at edukasyon tungkol sa kanser,” dagdag ng House Speaker.| ulat ni Kathleen Jean Forbes