Pangulong Marcos Jr., sinaksihan ang paglagda sa MOA sa pagtatag ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa mga LGUs nationwide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa memorandum of agreement sa pagtatatag ng “Kadiwa ng Pangulo” sa LGUs nationwide.

Pinangunahan din ng pangulo ang nationwide simultaneous grand launching ng “Kadiwa ng Pangulo” program sa Provincial Capitol Grounds ng San Fernando, Pampanga.

Sa ambush interview, sinabi ng pangulo na hangad niya na palawakin ang exportation upang mas lalong makinabang ang mga pinoy.

Sa ngayon aniya, bagaman nasa P25 pa ang bawat kilo ng bigas, sinabi ng pangulo na patuloy nilang tinatrabaho ang P20 na bigas na kanyang campaign promise.

Nasa 81 provinces at 16 LGUs sa  National Capital Region (NCR) ang lumahok sa simultaneous launching.

Ang Kadiwa ng Pangulo centers ay mag-o-operate tuwing kinsenas-katapusan o 15-30  ng bawat  buwan.

Namahagi din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) , Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Trade and Industry (DTI) ng mga government assistance para sa mga taga Central Luzon.

Panawagan ng punong ehekutibo sa mga LGUs, paramihin at palawigin ang Kadiwa ng Pangulo sa kanilang mga barangay.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us