Pilipinas, nais pang palakasin ang tourism promotion nito sa bansang Chile

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng courtesy visit si Philippine Ambassador to Chile Celeste Vinzon-Balatbat kay Tourism Secretary Christina Frasco, kung saan tinalakay ang malaking interes sa pagitan ng Pilipinas at Chile, kabilang na ang pagiging destinasyon para sa pag-aaral ng Ingles bilang second language (English as a Second Language o ESL).

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay rin ang prospect ng ESL sa bansa kung saan ipinaliwanag ng kalihim na ang Pilipinas ay kilalang-kilala bilang pangunahing destinasyon para sa ESL.

Sinabi rin ni Ambassador Balatbat, na ang Pilipinas ay isang magandang lugar para sa ESL tulad kung paano pinosisyon ng Pilipinas ang sarili nito sa Japan at Korea.

Tinalakay din nina Secretary Frasco at Ambassador Balatbat, ang nakabinbing kasunduan na magpapaunlad ng higit na kooperasyon sa promosyon ng turismo sa pagitan ng Pilipinas at Chile, na isinasaalang-alang bago ang pandemya.

Tiniyak ng kalihim, na babalikan ng Department of Tourism ang draft at isasama ang mga bagong prayoridad sa ilalim ng bagong National Tourism Development Plan (NTDP), na inaprubahan kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang Pilipinas at Chile ay parehong naging kolonya ng Espanya, at nitong mga nakalipas na taon ay nagtulungan upang palalimin ang kooperasyon na may kinalaman sa edukasyon, disaster risk reduction, trade and investment, at marami pang iba. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us