Aabot na sa higit ₱1.5-milyong halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Dodong.
Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa mga 155 na apektadong barangays sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).
As of July 17, umakyat pa sa higit 19,000 pamilya o 64,802 na indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan.
Nadagdagan na rin sa 424 na pamilya o katumbas ng 1,660 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 40 evacuation centers habang nasa higit 800 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Una nang siniguro ng DSWD na may sapat itong stockpiles at standby funds para sa mga apektado ng bagyo at habagat. | ulat ni Merry Ann Bastasa