Pampublikong transportasyon, di mapaparalisa ng nakaambang transport strike — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi gaanong makakaapekto sa mga commuter ang nakaambang 3-day transport strike ng grupong MANIBELA.

Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz, kung pagbabasehan ang nauna nang transport strike ng naturang grupo, maaaring nasa 3-4% lang ang mga jeepney driver na makikisali rito sa Metro Manila, at Region 4 na maliit na bilang lang at hindi makakaparalisa sa pampublikong transportasyon.

Nagpahayag na rin aniya ang pitong malalaking transport group kasama ang UV Express na hindi makikilahok sa tigil-pasada.

Sa kabila nito, nakalatag na ang contingency measures ng ahensya upang maalalayan ang mga pasahero.

Kasama rito ang pagde-deploy ng libreng sakay at rescue buses sa mga rutang posibleng mawalan ng bbiyaheng jeepney.

Nakipag-ugnayan na rin ito sa PNP para mabantayan ang kaligtasan ng bawat tsuper at pasahero partikular sa ilang key areas na may banta ng pambabato, paglalagay ng spike sa kalsada, at pangha-harass sa mga tsuper para lang lumahok sa strike.

Nagbabala rin si Chair Guadiz sa mga sasali sa strike na mahaharap ang mga ito sa sanctions kabilang ang suspensyon o revocation ng kanilang prangkisa. | ulat ni Merry Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us