ICAO at CAAP, magsasagawa ng technical mission para palakasin ang air traffic management system ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumungo ang International Civil Aviation Organization (ICAO) sa Ating bansa katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa technical mission sa pagpapalakas ng Air Traffic Management System ng ating bansa.

Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, layon ng naturang Technical Mission ng ICAO na makakuha ang CAAP ng observation at recomendation para mas mapalakas pa at makasabay sa modernization ng aviation sector ng bansa sa international standards.

Dagdag pa ni Tamayo na tatagal ang ICAO sa ating bansa hanggang July 21 upang magsagawa ng checking sa mga pasilidad ng ating mga Air Traffic Management System sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa huli nagpasalamat naman si Tamayo sa pamunuan ng International Civil Aviation Organization sa pagtungo sa bansa at makatulong sa aviation sector ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us