Nagsagawa ng Memorandum of Agreement Signing ang Department of Education (DepEd) Western Visayas at MAGGI para sa pagpapatupad ng Sarap Sustansya Farm School Program.
Sa Sarap Sustansya Farm School Program, magkakaroon ng tatlong approach: pagsasanay sa mga trainer, pagbibigay ng farm tools sa mga paaralan at may gaganaping cooking competition kung saan ang mga mag-aaral ay magluluto ng pagkain gamit ang mga gulay na itinanim sa farm school.
Magsisimula ang pagpapatupad ng partnership sa susunod na School Year 2023-2024.
Sa pahayag ni Hernani Escullar Jr, tagapagsalita ng DepEd WV, malaki ang maitutulong ng partnership sa MAGGI dahil madaragdagan ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa tamang pagluluto ng pagkain.
Ang DepEd WV ang unang nagtayo ng Farm Schools noong 2021. Sa School Year 2022-2023 ay mayroon nang 26 na farm schools ngunit sa susunod na school year ay magdadagdag na 1 pang farm schools.
Sa pahayag naman ni Raine Marie Calma, Service Pillar Head ng MAGGI at Assistant Vice President -Nestle Philippines, Inc. na magsisimula ngayong Martes, Hulyo 18, ang dalawang araw na training para sa mga school head at coordinator mula sa 27 farm schools.
Ang mga school head o coordinator naman ang siyang magsasanay sa kani kanilang guro sa farm school.
Samantala, bukod sa MOA signing, nagkaroon din ng ceremonial turn over ng mga farm tool sa mga farm school. | ulat ni Merianne Grace Ereñeta | RP1 Iloilo