Office for Transportation Security, mahigpit na ipatutupad ang ‘footwear removal policy’ sa lahat ng paliparan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na ipatutupad ng Office for Transportation Security (OTS) ang ‘footwear removal policy’ bilang bahagi ng security protocols sa bawat paliparan sa bansa.

Ayon kay OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca, ito ay upang masiguro na walang makakalusot na maipuslit sa umang ipinagbabawal na gamit na kakasya sa sapatos sa loob ng palipran.

Dagdag pa ni Aplasca, na mas maganda aniya na maging pro-active at hindi na hintayin pa na may makalusot, at magkaroon ng banta sa seguridad bago isagawa ang naturang polisiya.

Ipapatupad ang naturang polisiya sa international at domestic flights sa bansa, upang maging patas ang OTS sa pagpapatupad ng naturang polisya.

Nanawagan naman si Usec. Aplasca sa publiko, na sundin ang naturang polisya upang hindi na magkaroon ng aberya sa kani-kanilang flights. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us