Hindi malayong bumalik ang water rationing sa sandaling magpatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan na inaasahan sanang magpapataas sa antas ng tubig sa Angat Dam.
Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, gayung hindi pa maituturing na water crisis ang sitwasyon.
Bagama’t nasa alanganing kalagayan ang suplay ng tubig, manageable o kaya naman itong pangasiwaan.
Batay sa PAGASA Hydro-Meteorological Division, patuloy ang naitatalang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa pinakahuling update naitala sa 180.67 meters ang Lebel ng tubig sa Dam na mas mataas sa minimum operating level nito.
Una nang ipinahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na isa sa long term solution ng pamahalaan ay ang pagtapos sa Kaliwa dam upang maibsan ang epekto ng nakaambang El Niño Phenomenon.| ulat ni Rey Ferrer