Re-assessment ng mga miyembro ng 4Ps na tinaguriang ‘non-poor,’ iniutos ng DSWD Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang re-assessment sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na tinaguriang “non-poor” ng Listahanan 3, ang standardized targeting system na ginagamit ng programa.

Bilang bahagi ng proseso ng re-assessment, gagamitin ng DSWD ang Social Welfare and Development Indicator (SWDI) tool upang masuri at masubaybayan ang antas ng kondisyon ng pamumuhay ng 4Ps households.

Ang SWDI ay ginagamit ng Departamento bilang isang tool sa case management upang matukoy ang pag-unlad ng mga sambahayan.

Ayon sa DSWD, isasailalim sa 4Ps graduation process ang mga benepisyaryo na masusuri bilang “self-sufficient” at opisyal na lalabas sa programa sa pamamagitan ng Pugay-Tagumpay.

Tiniyak pa nito sa mga magtatapos na 4Ps households ang patuloy na suporta nito, gayundin ang tulong mula sa kanilang local government units.

Ang re-assessment ay bahagi ng pagsisikap ng DSWD na mapabuti ang implementasyon ng programa na naglalayong wakasan ang inter-generational na kahirapan sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us