Ikinadismaya ng Office of the Solicitor General ang naging desisyon ng Appeal Chamber ng International Criminal Court (ICC).
Ito’y makaraang ibasura ng Appeal Chamber ng ICC ang mga inihaing apela ng Pilipinas may kaugnayan sa war on drugs.
Ayon kay Assistant Solicitor General Myrna Agno-Canuto, naninindigan ang Pilipinas na balido ang kanilang inilatag na mga argumento.
Bilang patunay, inilatag naman ng Pilipinas ang lahat ng mga dokumento na magpapatunay na gumagana ang sistema ng katarungan sa bansa.
Para naman sa External Counsel para sa Pilipinas sa ICC na si Sara Bafadhel, sinabi nitong walang police powers ang ICC para arestuhin ang mga sangkot sa war on drugs.| ulat ni Jaymark Dagala