IDs, passes, programs para sa SONA, kumpleto na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng House of Representatives Printing and Reproduction Service na 100% na silang tapos sa pag-iimprenta ng mga kinakailangan para sa araw ng State of the Nation Address o SONA.

Ayon kay Director Edwin Avenido naimprenta na nila ang lahat ng imbitasyon, ID, car pass, at SONA program.

Katunayan, sinimulan na ang pamamahagi ng ID at car pass para sa media nitong Martes at inaasahan na makukumpleto hanggang sa bisperas ng SONA.

Maliban dito ay tinatapos na lang din aniya nila ang pag-iimprenta sa kopya ng 19th Congress Legislative Performance Report.

Siniguro din ni Avenido na sakaling may mga pahabol na materyales na kailangan iimprenta ay nakahanda ang Printing and Reproduction Service. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us