Kulturang Pilipino ang tema ng magiging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mula sa damit hanggang sa merienda ng mga bisita.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, Filipiniana ang dress code para sa lahat ng papasok sa loob ng plenaryo.
Aminado ito na ang diplomatic corps ay posibleng naka-business attire, ngunit inaasahan aniya na para sa mga mambabatas, opisyal ng gobyerno, at iba pa ay barong at terno ang isusuot.
Dagdag pa nito na posibleng ang mga lady legislators ay magsuot ng mga damit na nagpapakita ng kultura ng kinakatawan na lalawigan.
Pagdating sa pagkain, Pinoy merienda ang nasa menu.
Mga native dessert gaya ng bibingka at puto bumbong aniya ang ihahain.
Una nang sinabi ni Velasco na 95% na silang handa para sa SONA sa July 24.
At bukas ay sisimulan na rin ang lockdown sa Batasan Complex. | ulat ni Kathleen Jean Forbes