Mayorya ng jeepney operators, drivers associations sa Valenzuela, di rin sasali sa transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala ring planong magtigil pasada ang nasa 11 miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) sa lungsod ng Valenzuela.

Ito ang tiniyak Valenzuela Mayor Wes Gatchalian matapos ang pakikipagpulong nito sa mga JODA kahapon dahil na rin sa banta ng transport strike na isasabay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa naturang pulong, siniguro ng alkalde ang patuloy na suporta nito sa mga kooperatiba para sa mas maayos na takbo ng pampublikong transportasyon sa lungsod.

Una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na mabibigo lang ang transport strike ng grupong MANIBELA dahil malaking bilang na ng mga transport group ang sumusuporta sa pamahalaan.

Nakahanda na rin ang contingency plans nito sakali mang may maapektuhang mga pasahero kabilang na ang pagdedeploy ng mga rescue buses at libreng sakay.

Sa kanya namang panig, sinabi rin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi tumitigil ang pamahalaan sa pakikipagdayalogo sa transport group upang maresolba ang kanilang mga hinaing. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us