Mahigit P15-milyon halaga ng iligal na droga nakumpiska sa siyudad ng Bacolod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagpapaigting ng anti-criminality operations sa Bacolod City, nasa 2.25 kilos ng iligal na droga o mahigit P15.3-milyon halaga ang nakumpiska ng mga pulis sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay batay sa datos ng Bacolod City Police Office (BCPO) mula nang maupo si P/Col. Noel Aliño bilang City Director noong Abril 18 hanggang July 18, 2023.

Ang nasabing accomplishment sa kampanya kontra iligal na droga ay resulta ng 128 anti-drug operations kung saan 153 na tulak ng droga ang naaresto.

Ayon kay BCPO Director P/Col. Noel Aliño, nagsasagawa sila ng tactical interrogation sa mahuhuling drug pusher para ma-identify ang pinagmumulan ng supply at kung sino pa ang kasamahan nila sa illegal drug trade.

Bukod pa rito, pinaigting rin ng BCPO ang kanilang intelligence monitoring sa tulong ng komunidad na nagreresulta sa matagumpay na operasyon.

Sa pagpapalakas ng kampanya kontra iligal na droga, tututukan rin ng BCPO ang Barangay Drug Clearing Operations kung saan pagtutuunan ang mga barangay sa syudad na apektado ng iligal na droga.

Sa milyong pisong accomplishment sa iligal na droga, nakaaresto rin ang BCPO ng 142 wanted persons.

Nasa 235 indibidwal naman ang naaresto sa 69 na anti-illegal gambling operation na nagresulta sa pagkakumpiska ng P17,000 taya sa iligal na sugal.

Sa nasabing accomplishment, tiniyak ni Col. Aliño na tuloy-tuloy ang BCPO sa kanilang anti-criminality operations para isang maayos at payapang Bacolod City. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us