Walang nakikitang mali si Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto sa pakikipagkita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping.
Aniya, hindi naman ito ang unang pagkakataon na isang dating presidente ay nagkaroon ng foreign trip at nakipagpulong sa isang lider ng bansa.
Hindi rin aniya dapat masamain at lagyan ng kulay ang pagpunta doon ng former president, dahil tiyak naman na ang kapakanan ng Pilipinas ang uunahin nito.
“Any attempt to portray him otherwise is “unfair and without basis. Sugo sya ng bayan, not the other way around. E kung dahil sa kanya mapapayagan ang ating mangingisda na pumalaot uli doon or magkaroon ng breakhtough sa oil exploration, then that will bring fish to our table and electricity to our homes,” dagdag ng mambabatas.
Paalala pa ng kinatawan, na hindi pwedeng sa US lang nakikipag-usap ang bansa dahil kahit aniya ang mga bansang nakakatampuhan ng Pilipinas ay dapat kinakaibigan, bilang pagpapatunay sa foreign policy na ‘friend to all, enemy to none’. | ulat ni Kathleen Forbes