Vice President Sara Z. Duterte ang pormal na pagbubukas ng ika-10 satellite Office of the Vice President para sa region 5 sa Legazpi City, Albay.
Ayon kay VP Sara sa pamamagitan ng satellite office ay maipapaabot ang mga proyekto ng bise presidente mula sa sentral na tanggapan papunta sa mga Bicolano.
Samantala, ang bise presidente ay nagtungo din sa Daraga Albay at katuwang ang DSWD, Daraga LGU at pamahalaan panlalawigan ng Albay upang maghatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan ng pagsabog ng Mayon na wala sa evacuation centers.
Ipinahatid din ni VP Sara na tuloy ang learning camp para sa mga apektadong estudyante na gaganapin sa katapusan ng pasukan ngayong taon. Direktiba nya din sa DepEd Region 5 na paniguraduhin na hindi maapektuhan ang pag aaral ng mga kabataang apektado ng pagsabog ng bulkan Mayon sa darating na pasukan.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay