Sasailalim sa basic life-saving skills ang mga social worker at frontliner ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagkasundo na ang DSWD at St. Lukes Medical Center Foundation para sa pagpapatupad ng programa, para sa non-medical practitioners na sinasabing mga first responder sa panahon ng emergency situations.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at St. Luke’s Medical Center Foundation, Inc. President Dr. Benjamin Campomanes.
Sa pamamagitan ng Basic Life Support (BLS) for Bystanders Training Program ay bibigyan sila ng kaalaman at kasanayan na kinakailangan tulad ng pag-assess sa isang emergency, pagpapatatag ng kalagayan ng mga biktima, at pagbibigay ng paunang pangangalaga hanggang sa pagdating ng propesyonal na tulong medical. | ulat ni Rey Ferrer