Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na kanilang susuportahan sa Kongreso ang pagsusulong na palakasin ang healthcare sector ng bansa.
Aniya, kaisa ang House leadership sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ‘legacy projects’ na nasimulan ng kaniyang ama, na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Kaya naman aniya, kanilang tiniyak na mapaglaanan ng sapat na pondo ang mga proyektong ito.
Katunayan sa 2023 budget, pinagtulungan nila na mabigyan ng tig P500 million ang ‘legacy specialty hospitals’ gaya ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Children’s Medical Center (PCMC), at ang itatatag na Philippine Cancer Center.
Makakaasa rin aniya ng suporta ang administrasyon sa plano nito na makapagpatayo rin ng legacy specialty hospitals sa iba pang panig ng bansa.
Paalala ng mambabatas, na lahat naman tayo ay nagkakasakit.
Ngunit para sa mga kapos, nararapat lang mabigyan sila ng pantay na access sa kalidad na healthcare service.| ulat ni Kathleen Forbes