Renewable energy projects, paglalaanan ng puhunan ng MIF –Senate President Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamumuhunan ng husto ang gobyerno sa mga renewable energy project gamit ang pondo mula sa Maharlika Investment Fund (MIF), ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Zubiri, nang makausap niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng MIF ay sinabi nito na kabilang sa mga infrastructure project na pagtutuunan ng pondo ang renewable energy projects na makakatulong sa pagtugon sa El Niño at climate change.

Kabilang aniya sa mga nais ng Pangulo ay ang pagbuhusan ng pondo ang wind turbines, solar at hydroelectric projects.

Ipinunto ng senate president, na ang ganitong mga proyekto ay makakatulong na mapababa ang singil sa kuryente dahil mababawasan na ang paggamit ng fossil fuels.

Idinagdag rin aniya ng punong ehekutibo, na nais nitong sundan ang yapak ng yumao niyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagpatayo ng maraming dams sa bansa.

Kaugnay nito, hihikayatin rin ni Zubiri ang presidente na magpatayo ng maraming Water impounding projects para maiwasan ang biglaang pagbaha, at para rin makaimbak ng suplay ng tubig na makakatulong sa kakulangan ng water suplay pag may umiiral na El Niño. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us