Maglalabas ng Executive Order si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaugnay sa proposed na pag-adopt ng national policy para sa infrastructure sector at master plans nito.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, layon ng polisiya na i-harmonize at i-rationalize ang pormulasyon ng master plans para sa infra sector sa pamahalaan.
Sa pamamagitan nito ayon sa kalihim, masisiguro na ang master plans para sa infra projects ay coordinated at tumutugon sa mga usaping uusbong, at consistent sa mga hamon at istratehiya ng priority development ng sektor.
Sa NEDA Board ngayong araw (July 19), inaprubahan rin ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport, Samar Pacific Road Project, at expansion at maintenance ng Lagindingan Airport sa Misamis Oriental.| ulat ni Racquel Bayan