Navotas LGU, namigay na ng graduation incentive sa mga mag-aaral sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang mamigay ng graduation incentives ang Navotas City government sa mga mag-aaral na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong taon.

Ayon sa LGU, partikular na binibigyan ng insentibo ang mga mag-aaral ng Grade 6 at 12.

Alinsunod sa umiiral na ordinansa, ang elementary school graduates ay makatatanggap ng Php500 at ang senior high school graduates naman ay Php1,000.

Hanggang bukas ang pamamahagi nito at pinayuhan ang mga mag-aaral na alamin ang iskedyulng distribusyon.

Nagsimula ang pamimigay ng cash incentives noong 2019 alinsunod sa City Ordinance 2019-3.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us