Civil Aeronautics Board, ikinatuwa ang pagbubukas ng United Airlines ng direct flight mula San Francisco, California patungong Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Civil Aeronautics Board (CAB) at ng aviation sector ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakaroon ng direct flight ng US airline company United Airlines mula sa San Francisco, California patungong Maynila, matapos ang ilang taon nitong pagkakaroon ng flight mula Guam patungong Maynila.

Ayon sa CAB, magkakaroon na ng pagpipilian ang mga manlalakbay sa oras na maging operational ito, at napapanahon ang pagkakaroon ng direct flight ng United Airlines mula US Mainland patungong Pilipinas dahil sa pagtaas ng demand matapos ang pandemya.

Sinabi rin ng CAB, na nasasabik ang ahensya na i-welcome ang mas marami pang American travelers habang patuloy na nagbubukas ang administrasyong Marcos ng karagdagang avenues para sa foreign investment at turismo.

Magsisimula ang operasyon ng direct flight ng United Airlines mula San Francisco patungong Maynila sa Oktubre 29. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us