Titiyakin ni House of Appropriation Chair and Ako Bikol party-list Rep. Elizaldy Co na magiging accessible ang mga healthcare services o mas maraming government hospital sa mga Pilipino.
Ayon kay Co, ang hangarin ng pangulo na i-revolutionize ang healthcare system ay siyang magiging tulay sa healthcare gap upang maipagkaloob ang patas na oportunidad sa lahat.
Diin ng mambabatas, ang mga itatayong karagdagang government-backed hospitals ay kritikal upang magkakaroon ng medical facilities ang iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Aniya, ito ay ang tugon ng gobyerno na harapin ang mga healthcare issues at matulungan ang mga kababayan natin na nagkakasakit at mga walang kakayahan na magpadoktor o magpaospital.
Maalalang sinabi ng pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawa niyang pag inspeksyon sa Clark Multi-Specialty Medical Center sa Clark Pampanga na determinado ang kanyang administrasyon na ipagkaloob ang de kalidad na serbisyo sa pamamagitan ng pagtatag ng primary healthcare facilities at specialty centers sa buong bansa.| ulat ni Melany V. Reyes