ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, kinumpirmang opisyal na siyang lalahok sa Kamara sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na magiging aktibo na siyang makikibahagi sa mga aktibidad sa Kamara sa opisyal na pag-upo nito bilang kinatawan sa Lunes.

Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Tulfo na wala ng magiging hadlang ang kanyang pag-upo bilang kongresista matapos ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang disqualification case laban sa kanya.

Sa kanyang pagsisimula, nais ni Tulfo na maghain ng resolution sa Kamara para tingnan ang Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act na nagpapapirma sa isang mediaman sa mga drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Nais niyang alisin na ang bahagi ng batas na ito dahil nalalagay lamang sa peligro ang buhay ng mamamahayag tulad ng nangyari sa Remate photo journalist na si Joshua Abiad.

Bukod dito, nais din niyang tutukan ang Magna Carta for Media na nagpapatibay sa seguridad ng mga mamamahayag.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng proteksyon ang mga maliliit na mediaman sa kanilang security of tenure sa mga kompanya na kanilang pinapasukan.  | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us