Pagdeklara sa Pambansang Pabahay bilang flagship program ng Marcos administration, ipinagpasalamat ni DHSUD Sec. Acuzar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang ipinalabas na Executive Order (EO) No. 34 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagdedeklara sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) bilang flagship program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng EO 34, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng national government agencies (NGAs), local government units (LGUs) at iba pang government entities na suportahan at makipagtulungan sa DHSUD na nangunguna sa implementasyon ng 4PH program.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si DHSUD Secretary Acuzar kay Pangulong Marcos sa pag-iisyu ng EO partikular na ang direktiba sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magpalabas ng inventory ng ‘idle lands’ o angkop na lupain para sa programa.

Ayon sa kalihim, isa sa mga hamon sa programa sa kasalukuyan ang kakulangan ng lupang mapagtatayuan ng disente at abot-kayang pabahay.

Kaya naman, malaking bagay ang alokasyon ng idle government lands para sa housing project upang lalong mapalawak ang implementasyon ng pabahay program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us