Pinag-aaralan ng Philippine Army ang pagtatag ng isang dedicated counter-intelligence unit na magmo-monitor sa mga dating sundalo na may โspecial skillsโ.
Sa isang statement, sinabi ni Phililippine Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad na ang itatatag na counter-Intelligence unit ay makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para masiguro na ang mga dating sundalo ay hindi nasasangkot sa ilegal na gawain.
Ayon kay Trinidad, may listahan ang Phil. Army ng lahat ng kanilang tauhan na may โspecial skillsโ, at mahalagang masubaybayan ang mga aktibidad ng mga ito lalo na ang mga โdishonorably dischargedโ.
Sinabi pa ni Trinidad, na sa kasalukuyan ay may Philippine Army Transition Assistance Program na nagbibigay ng counseling at education, training, livelihood, at legal services sa mga nagreretiro nilang sundalo at tauhan.
Pinag-aaralan din aniya ng Phil. Army, na isama na rin sa programa ang mga dishoborably discharged na sundalo para matulungan sila sa pag-adjust sa buhay-sibilyan.
Ang mga nahuling suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay mga dating sundalo na pinaghihinalaang bahagi ng gun-for-hire group. | ulat ni Leo Sarne