???’? ????? ????? ?? ??? ??????????, ??????????? ?? ????????? ?? ?????? ???? ?? ????????? ?? ?????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dadaanin ng iba’t ibang progresibong kababaihan sa sabay-sabay na pagpadyak sa Linggo para gunitain ang International Women’s Month.

Ang sabay-sabay na pagbibisikleta ay kanilang paraan para manawagan na alagaan ang kalikasan at pantay na karapatan ng mga kababaihan.

Ang Pedal for People and Planet ay isang bike action na gagawin sa Pilipinas bilang pagpapakita ng kanilang kampanya sa Gender, Climate and Energy Justice sa Linggo, March 12 sa Quezon City alas-5:30 ng umaga.

Bukod sa Pilipinas, mayroon ding kasabay na pagpadyak ng mga kababaihan sa India, Indonesia, Pakistan, Nepal at Vietnam.

Sa Pilipinas, may mga magsasagawa din ng Bike Action sa Batangas City, Bulacan, Atimonan Quezon, Camarines Norte, Cagayan de Oro at Cebu.

Sabi ni Ms. Lidy Nacpil ng Asian Peoples Movement on Debt Development, 80 percent ng mga kababaihan ang napapariwara ang kalusugan, at gender-based violence dahil sa climate change.

Dahil dito, hinihikayat nila ang iba pang mga kababaihan na suportahan ang kanilang aktibidad bilang paggunita sa International Women’s Month. | ulat ni Micharl Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us