Bagong Senate building, target magamit sa July 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng topping off ceremony para sa bagong Senate building sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong araw.

Pinangunahan nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senadora Nancy Binay, Cynthia Villar, Senador JV Ejercito, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, at Bong Go ang seremonya.

Dumalo rin sina dating senate president Vicente Sotto III, dating senador at ngayo’y Congressman Ralph Recto, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, at Taguig Mayor Lani Cayetano.

Ayon kay Senate Committee on Accounts Chairperson Senadora Nancy Binay, target na masimulan na ang partial operations ng bagong Senate building pagdating ng July 2024.

May instruction kasi aniya si Senate President Zubiri na isagawa ang 2024 opening ng sesyon ng senado sa bagong senate building.

Ipinaliwanag ng senadora na ang topping off ceremony ay isang tradisyon na ginagawa para gunitain ang pagkumpleto sa structural frame ng isang building sa pamamagitan ng pagkabit ng huling structural beam nito.

Pinagmalaki pa ng mambabatas na ang new senate building ay isa sa mga unang green building – certified government facilities sa ilalim ng Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE) Program.

Mayroon aniya itong sustainable features gaya ng energy-efficient systems, water conservation measures, paggamit ng eco-friendly materials.

Tinatayang kokonsumo lang ito ng 30 hanggang 50 percent na mas mababang kuryente kaysa sa mga standard building sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

📷: DPWH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us