Senador Bato Dela Rosa, susundin ang payo ni Justice Secretary Remulla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iiwasan muna ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na bumiyahe sa mga bansa na may impluwensya ang International Criminal Court (ICC) alinsunod na rin sa payo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Dela Rosa, hindi na muna siya pupunta sa mga bansang friendly sa ICC para maiwasan ang anumang aberya.

Matatandaang ang payong ito ni Remulla kina Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kasunod na rin pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs na pinatupad ng nakaraang administrasyon.

Una na ring sinabi ni Senador Bato na lilimitahan na lang muna niya sa Davao atanika ang kanyang mga pagbiyahe ngayon.

Naninindigan kasi ang senador na walang magagawa ang ICC sa kanya kapag naririto siya sa Pilipinas dahil hindi na kinikilala ng ating bansa ang ICC.

Kumalas na kasi ang Pilipinas sa Rome statute at sa ICC noong 2018 at naging ganap na epektibo noong 2019. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us