Delegasyon ng Philippine Army, sinalubong ng Embahada ng Pilipinas sa Korea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalubong ni Philippine Ambassador to Korea Theresa Dizon-De Vega ang mga kasapi ng Philippine Army sa pangunguna ni Major General Potenciano Camba, na lumahok sa 2023 PH-ROK Army-to-Army Talks sa Philippine Embassy sa Seoul, South Korea.

Binigyan naman ng briefing ni MGen. Camba si Ambassador Dizon-De Vega sa naging resulta ng Army-to-Army talks ng Pilipinas at Korea, na nagsisilbing bilateral engagement para sa military discussion sa pagitan ng dalawang katihan.

Tinalakay naman ni Ambassador Dizon-De Vega ang mga developments sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea, pati rin ang mga oportunidad para sa higit pang pakikipag-ugnayan sa defense industry ng South Korea para sa modernisasyon ng defense sector ng Pilipinas.

Hinikayat din ng embahador ang karagdagang student exchange programs sa pagitan ng dalawang katihan, at umaasa na magkaroon ng mas higit na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa pamamagitan ng pakikilahok sa joint at regional military exercise. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us