Dating DSWD Sec. Erwin Tulfo, ganap nang naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Socorro Inting ang pagbibigay ng certificate of proclamation kay Tulfo, bilang katibayan ng kanyang pag-upo bilang kinatawan sa Kamara.

Isinagawa ang naturang proklamasyon sa session hall ng COMELEC En Banc sa Intramuros, Maynila ngayong araw.

Magugunitang naunsyami ang pag-upo ni Tulfo sa pwesto matapos pumalit sa dating 3rd nominee na si Jeffrey Soriano, nang harangin ng disqualification case ng isang Atty. Moises Tolentino.

Ginamit na argumento ni Tolentino ang usapin ng citizenship gayundin ang conviction ni Tulfo sa kasong Libel, bagay na ibinasura ng COMELEC.

Sa kanyang panig, nagpasalamat naman si Tulfo sa COMELEC dahil sa pagresolba nito sa kaniyang kaso na siya mismong sumagot sa mga usapin hinggil sa pagkuwesyon sa legalidad ng kanyang kandidatura. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: ACT-CIS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us