Panghahawakan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang commitment ng Department of Transportation (DOTr), na matutugunan na nito ang backlog sa mga driver’s license card pagdating ng Setyembre.
Sinabi ni Poe, na matapos ang panahong iyon ay inaasahan niyang maisasaayos na rin ng ahensya ang sistema nito para makuha na agad ng mga motorista ang kanilang license cards, pagkatapos nilang mag-apply o mag-renew ng lisensya.
Iginiit ng senador, na bagamat may digital license na ay dapat pa ring magsilbing primary ID ang license card.
Sa ngayon ay dapat rin aniyang tiyakin ng DOTr, na hindi makokompromiso ang seguridad at privacy ng isang motorista sa inaalok na paperless option o ang digital license.
Bahagi aniya ito ng commitment ng DOTr, na patuloy na pagandahin ang serbisyo nito sa ating mga motorista sa transportation system ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion