PNP, kumpiyansang di maapektohan ang kanilang operasyon sa maagang pagreretiro ng halos 2,000 tauhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang isang porsyento ng kabuuang pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang 1,793 pulis na nag-file ng early retirement para sa taong ito.

Ito ang binigyang diin ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na hindi ito makakaapekto sa operasyon ng PNP.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na may mga hakbang sila para punuan ang bilang ng mga mawawala sa kanilang hanay.

Ang mga nagbitiw ay naka-20 taon na sa serbisyo at pinili ang maagang pagreretiro upang hindi na mahagip ng panukalang pagbabago sa kanilang pension system.

Ayon kay Fajardo, batay sa record ng PNP Retirement And Benefits Administration Service, nagbitiw sa PNP ang nasabing bilang ng pulis mula January 1 hanggang July 13.

Aminado ang PNP na isang sanhi ng availment ng optional retirement ay ang pagdududa sa bagong military and other uniformed personnel (MUP) pension scheme dahil maaaring maipatupad ang pagbaba ng take home pay ng mga pulis para naman idagdag sa kanilang pension. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us