Senate inquiry tungkol sa nagbabadyang mental health pandemic sa Pilipinas, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng Senate inquiry para matukoy ang mga hamon sa paghahatid ng mental health services sa bansa at ang pagiging epektibo ng mga umiiral na polisiya tungkol dito.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 671 sa gitna ng kanyang pagkabahala sa tinawag niyang nagbabadyang Mental Health Pandemic sa Pilipinas.

Ibinahagi ng mambabatas ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakitang nagkaroon ng 74 percent na pagtaas sa kaso ng suicide mula taong 2019 hanggang 2020, at naging ika-28 dahilan na ng pagkamatay sa Pilipinas.

Dinagdag pa ni Gatchalian na una nang lumabas sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Education ang pinsalang idinulot ng pandemya sa mental health ng mga mag-aaral kung saan napag-alaman na noong school year 2020-2021 at 2021-2022 ay nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng 412 na mga estudyanteng namatay sa suicide.

Giit ng senador, mahalagang agad na tiyakin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng sapat na mental health services kasabay ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan, proteksyon, edukasyon, at kapakanan ng ating mga kababayan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us