Patuloy na nakakaranas ng mga aftershocks ang Davao de Oro matapos ang 6.2 magnitude na lindol noong Martes, Marso 7.
Base sa 3:00PM Earthquake Bulletin ng Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), nasa 1124 ang kabuuang bilang ng mga pagyanig.
Sa bilang na ito, ang mga plotted earthquakes ay umabot sa 184 habang nasa 27 naman a g mga naramdaman na aftershocks.
Nasa 1.5 hanggang 5.9 ang mga magnitude range ang mga ito kung saan maaari pa ring makapag dulot ng anumang pinsala.
Patuloy na pinag-iingat ng ahensya ang mga taga Davao de Oro na maging alerto sa posibleng pagyanig pa sa kanilang mga lugar. | ulat ni Michael Rogas