Pamamahagi ng graduation incentive sa Navotas, extended hanggang ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ng Navotas local government hanggang ngayong Biyernes ang pamamahagi ng cash incentive sa mga Grade 6 at Grade 12 public school graduates sa lungsod.

Ito ay para sa mga hindi nakakuha ng kanilang cash incentive sa nakalipas na dalawang araw.

Sa abiso ng LGU, maaari pang ma-claim ng mga graduates ang kanilang incentive ngayong araw sa Navotas Sports Complex mula 9am hanggang 5pm.

Kailangan lamang na dalhin ang mga requirement gaya ng photocopy ng diploma, photocopy ng valid ID o birth/baptismal certificate ng graduate (may tatlong pirma ng graduate; at kung school ID – S.Y. 2022-2023 lang ang pwede).

Sa ilalim ng programa, ang elementary school graduates ay makatatanggap ng ₱500 at ang senior high school graduates naman ay ₱1,000. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us