Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa 104 milyon — NTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 104 milyong SIM cards na ang nairehistro sa bansa, ilang araw bago ang nakatakdang deadline ng SIM Registration sa July 25.

Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commision (NTC), katumbas na ito ng 61.94% ng target na 169 milyong telco subscribers sa bansa.

Mula sa kabuuang SIM card registrants, 49,201,007 ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng higit 74% ng kanilang subscribers.

Nasa 47,474,937 naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 54.73% ng kanilang subscribers habang mayroon na ring 7,400,899 nakarehistrong SIM sa DITO Telecommunity o 49.45% ng kabuuang subscribers.

Patuloy namang hinihikayat ang mga hindi pa rehistrado na huwag nang antayin pa ang deadline sa susunod na linggo.

Una na ring sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan na hindi na palalawigin ng pamahalaan ang deadline ng SIM Card Registration. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us