Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng habagat at bagyong Dodong.
Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 20 ay umakyat na sa halos ₱2-milyon ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Sa ngayon ay umakyat pa sa 300,000 indibidwal ang apektado ng habagat at bagyong Dodong sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, at National Capital Region (NCR).
Aabot pa rin sa 643 na pamilya o 2,317 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Samantala, nasa 29 kabahayan ang naitala ng DSWD na labis na nasira sa kalamidad habang 94 ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa