Dahil sa patuloy na pagpupursige ng Department of Transportation (DOTr) sa pagsasaayos ng ating mga daang bakal sa bansa at maisakatuparan ang modernisasyon nito, nasa 57.61 percent nang kumpleto ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project Malolos-Tutuban Project.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, oras na matapos ang naturang proyekto, mas bibilis na ang biyahe mula Tutuban, Manila hanggang Malolos, Bulacan ng 35 minutes, mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras na biyahe nito at makapagseserbisyo sa 300,000 passengers kada araw.
Samantala, muli namang iginiit ni Bautista sa publiko na makakaasa ang mga ito na puspusan ang kanilang ginagawang hakbang upang mas mapadali na ang mga naturang proyekto upang agarang matamasa ng publiko ang mga naturang proyekto. | ulat ni AJ Ignacio