Planong panghuhuli sa mga rider na sumisilong sa mga footbridge, hiniling na ipagpaliban muna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si 1-Rider Patylist Representative Rodge Gutierrez na ipagpaliban muna ang panghuhuli at pagpapataw ng multa sa mga rider na sumisilong sa ilalim ng footbridge at flyover.

Ayon sa mambabatas, hangga’t wala pang alternatibong solusyon dito at nakaamba ang tag-ulan ay hindi muna dapat ipatupad ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mag-isyu ng violation ticket sa mga sumisilong.

Napipilitan lang naman aniya ang mga rider na sumilong dahil delikadong magmaneho at magkasakit kapag biglang naabutan ng malakas na buhos ng ulan.

Dagdag pa ng kinatawan na makukuha naman sa paliwanag ang mga riders ngunit dapat malinaw ang panuntunan at maglaan ng tamang panahon para ipaalam sa kanila kung saan-saan dapat sumilong.

“1-Rider Party-list supports the MMDA’s initiative to provide lay-bys and tents at gas stations, pero hindi dapat parusa agad ang unang nasa isip gayung hindi pa naisasaayos ang lahat,” panawagan ni Gutierrez.

A-uno ng Agosto target ipatupad ng MMDA ang naturang kautusan, ngunit umaasa ang kongresista na maikasa na rin ang alternatibong solusyon hinggil sa isyu. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us