Ang soprano singer na si Lara Maigue ang napiling kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 24.
Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco sa isang mensahe.
Sa naunang panayam ng House media sa opisyal ay sinabi nito na surprise muna ang aawit ng National Anthem.
Ang 32 taong gulang na Filipina soprano ay nanalo noong 2017 ng Aliw Awards for Best Classical Performer.
Kabilang din sa kanyang musical repertoire ang opera, kundiman, jazz standards, Broadway, at OPM (Original Pilipino Music).
Sa pagbubukas naman ng 2nd regular session ng Kamara sa umaga ay choir mula Tacloban ang kakanta ng pambansang awit.
Sila rin ani Velasco ang maghaharana sa mga bisita pagkatapos ng talumpati ng Pangulo. | ulat ni Kathleen Forbes