VP Sara Duterte, ininspeksyon ang mga pasilidad na gagamitin para sa Palarong Pambansa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng technical inspection si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga pasilidad na gagamitin para sa Palarong Pambansa 2023, sa Marikina Sports Center ngayong hapon.

Kasama ni VP Sara sina Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

Unang ininspeksyon ang Olympic size swimming pool at bagong renovate na oval track ng Marikina Sports Center.

Layon nitong matiyak ang structural integrity ng mga pasilidad para sa mga atleta na lalahok sa patimpalak.

Bukod dito, nagsagawa rin ng memorandum of agreement (MOA) signing sa pagitan ng Department of Education at Marikina City Local Government, na host ng patimpalak ngayong taon.

Sa mensahe ni VP Sara, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng patimpalak upang mahubog ang kakayahan at leadership ng mga atleta.

Sa talumpati naman ni Teodoro, sinabi nitong nakahanda na ang lungsod at ang Task Force Palarong Pambansa, upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng lalahok sa patimpalak.

Kabilang din sa itatampok sa palaro ang mga Larong Pinoy gaya ng Kadang-Kadang, Tumbang Preso, at Patintero upang maipakita ang kahalagahan ng culture at sports.

Isasagawa ang Palarong Pambansa 2023 simula sa July 29 hanggang August 5 sa Marikina City. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us