Posible umanong maging super typhoon ang bagyong Egay.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, maaaring mangyari ito sa Lunes ng gabi o umaga ng Martes habang kumikilos ito sa silangan ng Philippine Sea.
Dagdag ng PAGASA, sa loob ng 12 oras ay inaasahang lalo pang lalakas ang bagyong Egay at magiging tropical storm.
Hindi pa nakikita ng weather bureau na lalapag sa kalupaan ang bagyong Egay, dahil mananatili ito sa karagatang sakop ng silangang bahagi ng Luzon.
Pero, hindi isinasantabi ng PAGASA na magla-land fall ito sa silangang bahagi ng mainland Cagayan at Batanes.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at maghanda ang mga lokal na pamahalaan dahil sa banta ng bagyong Egay. | ulat ni Diane Lear