ERC, niluwagan ang proseso sa pagre-renew ng Certificate of Authority ng mga distribution utility

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niluwagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang proseso ng pagre-renew ng Certificate of Authority to Operate ng mga distribution utility.

Ito ay para sa mga distribution utility na nabigo na makakuha ng Certificate of Authority to Operate and Maintain a Meter Shop sa takdang oras.

Batay sa inilabas na resolusyon ng ERC, kailangang makumpleto ng mga distribution utility ang kanilang application bago mag September 30, upang makapag-avail ng leniency program at makaiwas sa penalty.

Sa oras na maging epektibo ang panuntunan, hindi muna papayagan ang mga distribution utility na walang Certificate of Authority to Operate and Maintain a Meter Shop, na mangolekta ng metering charge sa kanilang mga consumer.

Paliwanag ng ERC, malaking tulong ang leniency program sa mga distribution utility na makapag-comply sa pagkuha ng permit nang walang penalty, kasunod ng epekto ng COVID-19 pandemic. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us