Ipinapanukala ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, na ikonsidera bilang economic sabotage ang phishing at iba pang online scam.
Sa ilalim ng House Bill 7976, ano mang panloloko gamit ang information and communications technology (ICT) ay tinukoy na malaking banta sa ating ekonomiya at dapat ikonsidera bilang economic sabotage.
Aamyendahan nito ang Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act.
Oras na maisabatas ito, ang magiging parusa ay habang buhay na pagkakakulong at multang aabot ng P5 million.
Sa paraang ito, naniniwala si Yamsuan na magdadalwang-isip ang mga masasamang loob na manloko pa at gawin ang krimen.
Punto ng kinatawan, na kasabay ng paglawak sa paggamit ng digital transaction ay tumaas din ang cybercrime.
Katunayan sa datos aniya ng Bangko Sentra ng Pilipinas, mula sa mga taong 2019 hanggang 2021 ay umabot sa P2 billion ang halaga ng nanakaw na pera gamit ang phishing, hacking at iba pang online fraud scheme. | ulat ni Kathleen Forbes