“All systems go” na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Lunes.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, nakaayos na ang rerouting plan ng mga motorista sa darating na Lunes dahil isasara ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue dahil sa mga isasagawang programa ng mga raliyista sa araw ng SOMA ng Pangulo.
Kaugnay nito, magde-deploy ng nasa 1,300 na traffic constables ang MMDA para sa mismong araw ng SONA ng Pangulo upang magbantay sa sitwasyon ng trapiko sa Batasang Pambansa.
Dagdag pa ni Artes na nakahanda din ang MMDA para naman sa badya ng tigil pasada ng transport groups at nakahanda namang mag-deploy ang MMDA ng libreng sakay at ibabase nila ang deployment nito sa dami ng mapaparalisang biyahe. | ulat ni AJ Ignacio